Monday, August 2, 2010

Abante Online

Abante Online

Solon ‘maton’ sa pilahan ng panukalang batas

Mistulang isang eksena sa rasyon ng tubig ang ginawa ng isang beteranong mambabatas sa paghahain ng panukalang batas na dahil kahit huling dumating sa pilahan ay ginamit ang pagiging maton nito para maunang makasalok.


Sa report na nasagap ni Mang Teban, nang maghain ng kanyang pet bill ang mambabatas ay gusto nitong mailagay sa unahan ang kanyang panukalang batas.


Nais alisin ng mambabatas ang mga nauna sa pilang mga panukalang batas na ihinain ng kanyang mga kasamahan sa Kamara para ipalit ang kanyang pet bill.


Dahil kilalang matapang at tila ipi­nanganak na hindi nakapanood ng pelikula ni Charlie Chaplin, marami ang natakot sa mambabatas na tauhan ng Kamara kaya pinagbigyan ito.


Gayunpaman, natuklasan ito ng isang miyembro ng Kamara kaya nagbanta ito na kakasuhan ang mambabatas ng falsification of public documents at maging ang mga tauhan ng Kamara.


Dahil sa takot, pinakiusapan na lamang ng mga tauhan ng Kamara ang sigang mambabatas na i-withdraw ang kanyang panukalang batas at ilagay sa hulihan dahil may nakasilip sa kanyang pagiging siga.


Mistulang natakot din ang mambabatas na makasuhan kaya binago nito ang numero ng kanyang panukalang batas lalo na’t ang sumita sa kanya ay ang mortal nitong kaaway sa plenaryo ng Kamara.


Dahil dito, hindi nabigyan ng priority ang panukala ng mambabatas gayung matagal na niyang ipinaglalaban ang kanyang pet bill.


Pintahan n’yo na: Ang mambabatas na ito ay balik-balik na lamang sa Kamara at isa sa mga lider ngayon ng isang grupo sa kapulungan. Mayroon siyang inis­yal na L, as in amoy Lupa, este matanda na.

No comments:

Post a Comment