Tuesday, April 9, 2013

Bernabe nanguna sa survey sa Parañaque Published : Wednesday, April 10, 2013 00:00Article Views : 14 Written by : Edd Reyes


Bernabe nanguna sa survey sa Parañaque


NILAMANGAN ng malaki ni Councilor Florencio “Benjo” Bernabe III ang pinakamalapit na kalaban nito sa pagka-alkalde ng Parañaque City, ayon sa survey na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kamakailan.

Sa survey na isinagawa noong February 24, nakakuha si Bernabe ng 68.3 porsiyento na boto mula sa mga respondents ng siyudad. Ito ay higit doble sa nakuhang boto sa kalaban nito na si Rep. Edwin Olivarez na umabot lamang sa 31.3 percent.

Sa mga nagsabing iboboto nila si Bernabe, 51 percent ay mula sa unang distrito at 49 percent mula sa ikalawang distrito ng siyudad.

Lumilitaw din sa survey na halos magkasindami ang pabor kay Bernabe ang mga babae at lalaking botante. Kinopo rin ng konsehal ang mga botante mula sa iba’t-ibang edad at klase ng pamumuhay. Ayon sa self-rated socio economic status, karamihan ng boboto kay Bernabe ay mga taong nasa linya, o ang mga middle class. Nakakuha rin si Bernabe ng boto mula sa mga nagsasabing sila ay mahirap.

Ayon pa sa survey, karamihan sa mga bumoto kay Bernabe ay may edad 30 hanggang 39 taong gulang, sunod ay ang 40-49 taong gulang at ang mga botanteng edad 18-29 taong gulang.

Sa pagka-vice mayor, lamang ang running mate ni Bernabe na si Rico Golez na nakakuha ng 76 porsiyento ng mga boto at 22 porsiyento lamang kay Edwin Benzon. Ang naturang survey ay mayroong 300 respondents, margin of error ng +/- 6 percent at level of confidence na 95 percent.

Sina Bernabe at Golez ay tumatakbo sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).


Metro

No comments:

Post a Comment