Tuesday, October 15, 2013

Bohol earthquake: ‘SA ISANG IGLAP NAGBAGSAKAN LAHAT’, Abante Tonite


OCTOBER 16, 2013 WEDNESDAYhomehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
October 15, 2013
As of 2:04 pm
U. States43.1999
Bahrain Dinar114.559
Can Dollar41.7959
Euro58.6065
Aus Dollar41.1678
HK Dollar5.57094
Japan Yen0.438896
Saudi Riyal11.5188
S’pore Dollar34.7653
Taiwan Dollar1.47199
UAE Dirham11.7613
UK Pound69.0898
 
Custom Search
‘SA ISANG IGLAP NAGBAGSAKAN LAHAT’
Ulat ng AP/AFP at nina JB Salarzon, Amihan Sabillo at Armida Rico
 
Nagdulot ng trauma sa mamamayan ng Bohol ang naganap na 7.2 magnitude earthquake na yumugyog sa kanilang lalawigan at mga kalapit na lugar kahapon ng umaga na nagdulot ng malawakang pinsala sa isa sa mga pinakamagagandang tourist spot ng Pilipinas.

“Nagtakbuhan kami palabas ng building, yumakap kami sa mga puno dahil sa lakas ng lindol. Nang tumigil ang pag-uga, tumakbo ako papunta sa kalsada at nakita ko ang ilang tao na mga sugatan. Ang iba sabi nag-collapse ang kanilang simbahan,” kuwento ni Vilma Yorong, isang empleyado ng provincial government.

Sa isang iglap umano ay nagbagsakan lahat. Ang iba ay tumakbo patungo sa kabundukan dahil sa takot na masundan ng tsunami ang katatapos lang na lindol. Pero nakasentro ang lindol sa Bohol kaya hindi ito nagdulot ng tsunami.

“Parang malaking truck na paparating at dumadagundong, palakas ng palakas habang papalapit,” paglalarawan naman ni Aledel Cuizon sa naganap na lindol. Inabutan si Aledel ng pagyanig ng lupa habang nasa kuwarto pa siya.

Nagtakbuhan umano sila ng kanyang mga kapitbahay palabas kung saan nakita pa niya ang mga poste ng kuryente na parang mga puno ng niyog na winawasiwas ng lindol. Sa tingin umano niya ay umabot ng 15 hanggang 20 segundo ang lindol.

“Tumilapon ako sa lupa dahil sa lakas ng lindol. Nagbagsakan sa akin ang mga nabasag na mga salamin. Akala ko nga mamamatay na ako,” sabi naman ni Elmo Alinsunorin, na guwardiya ng isang government tax office sa Cebu.

1 BUWANG AFTERSHOCKS POSIBLE--PHIVOLCS

Ibinabala naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na posibleng magdulot ng mga aftershocks sa loob ng ilan pang linggo hanggang isang buwan dahil sa 7.2 magnitude earthquake.

Bumuka ang kahabaan ng isang kalsada sa Bohol dulot ng 7.2 magnitude earthquake na yumanig sa nasabing lalawigan at mga kalapit na lugar nito kahapon ng umaga. (AP)
Hanggang alas-singko kahapon ng hapon ay nakapagtala aniya ng 289 aftershocks sa Bohol. Pero pito lamang dito ang naramdaman kasama na ang 4.8 magnitude na nangyari alas-12:22 ng tanghali.

“Itong linggo na ito mas maraming aftershocks ang posibleng maranasan. Pero inaasahan naman na sa paglips ng mga araw ay unti-unti na rin hihina ang energy o lakas nito (aftershocks),” paliwanag ni Solidum.

Maihahalintulad din anya ang 7.2 magnitude earthquake kahapon na katumbas ng 32 bomba na ibinagsak sa Hiroshima, Japan.

DEATH TOLL DUMIKIT NA SA 100

Nang humupa ang tensyon ay nagsimula na rin pumasok ang bilang ng mga nasawi sa lindol na pinangangambahang umabot sa 100 katao o higit pa.

Sa ulat ni Police Regional Office 7 director Chief Supt. Danilo Constantino, hanggang alas-sais kagabi ay nasa 87 katao na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na nasawi, 77 sa Bohol, 9 sa Cebu, at isa sa Siquijor.

Umabot naman sa 216 katao ang mga sugatan habang tatlo ang nawawala na pawang mga taga-Bohol.

Ang pinakamalaking bilang umano ng mga namatay na 18 ay naitala sa bayan ng Loon kung saan may hindi pa mabatid na bilang ng mga pasyente ang na-trap umano sa Congressman Castillo Memorial Hospital, na “partially collapsed”. Sinisikap na umano ng mga rescuer na masaklolohan ang mga ito, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Major Reynaldo Balido.

“Sa huling data natin ay 67 na ang patay, 5 sa Cebu City, 2 sa Mandaue City, 2 pa mula sa datos ng Cebu province, 57 sa Bohol, at isa sa Siquijor,” ani Balido.

Tatlo sa mga nasawi sa Cebu ay dahil nagkaroon ng stampede sa isang sports complex kung saan nagtitipon ang mga mahihirap para tumanggap ng regular na cash handouts ng pamahalaan, ayon kay provincial disaster council chief Neil Sanchez.

“Nag-panic nang lumindol at nagtakbuhan agad papunta sa exit,” ani Sanchez. Ang dalawa pa umanong nasawi ay dahil sa isang bagi ng eskwelahan na bumagsak sa isang kotseng nakaparada sa labas.

RESCUERS NAHIHIRAPAN SA NASIRANG KALSADA AT TULAY

Nahihirapan naman umano ang mga rescuer na makarating kaagad sa mga lugar na sinalanta ng lindol dahil sa mga nasirang kalsada at tulay.

Nakadagdag pa ditto ang pagkawala ng kuryente dahil sa naputol na power supplies sanhi ng lindol.

“Wala pa ring kuryente sa Bohol, Ilolo, Cadiz City, at ilang area sa CARAGA region. Merong 20 pasahero na natengga sa Tagbilaran port dahil sa tindi ng pinsala ng pantalan doon,” ayon kay Balido.

Nagkataong regular holiday kahapon kaya walang mga pasok sa mga eskwelahan at opisina kaya konti lang ang mga tao sa mga gusaling napinsala ng lindol.

WALANG KURYENTE, POWER LINES SINUSURI PA

Kinumpirma kahapon ng Department of Energy (DoE) na malaking bahagi ng Bohol ang wala ngayong suplay ng kuryente dahil bumagsak ang karamihan sa transmission at substation lines sa lalawigan.

Ayon kay Energy Secretary Jericho Petilla, gumagana naman ang Sta. Clara Power Plant ngunit bagsak ang power lines nito kaya’t hindi makapagpadala ng kuryente.

Nakitaan din umano ng crack ang isang hydropower plant sa Bohol at patuloy pa rin inaalam ang tunay na sitwasyon nito.

10 SIMBAHAN ANG NAPINSALA

May ulat din na ayon sa Heritage Conservation Society, nasa 10 mga lumang simbahan sa Bohol ang napinsala ng lindol.

Kabilang dito ang Church of San Pedro Apostol sa Loboc, Church of Our Lady of Light sa Loon, Santissima Trinidad Parish sa Loay, Church of Our Lady of the Immaculate Conception sa Baclayon, Church of Our Lady of the Assumption sa Dauis, San Nicolas Church sa Dimiao.

Santa Cruz Parish Church sa Maribojoc, Basilica Minore del Santo Niño sa Cebu, Cebu Metropolitan Cathedra, at St. Catherine’s Church sa Carcar, Cebu.

Napinsala rin ang Chocolate Hills Complex na isa sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista, ayon kay Delapan Ingleterra, ang pinuno ng local tourist police unit.

“May malalaking crack sa hotel at nag-collapse ang view deck sa ikalawang palapag,” aniya pa. Pero wala naman umanong nasugatan sa complez. Wala rin umanong mga ulat na may nasawing foreign tourists sa disaster zone.
 
HOMETOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION

No comments:

Post a Comment