ROILO GOLEZ, Philippine National Security Adviser (2001-2004). The world and the Philippines as Roilo Golez sees it. With focus on national security, geopolitics, geo-security, economics, science and government.
Monday, May 11, 2015
Jeremy Marquez
You are here: Home » Bulabugin » Palarin kaya si Konsi Jeremy Marquez sa ambisyong maging Parañaque vice mayor?
Palarin kaya si Konsi Jeremy Marquez sa ambisyong maging Parañaque vice mayor?
BALI-BALITA na tatakbong Vice Mayor ang kasalukuyang Parañaque ABC President na si Jeremy Marquez, ang anak ng kontrobersiyal na actor at dating mayor na si Joey Marquez.
Mukhang idol talaga ni Jeremy ang kanyang tatay na si Joey dahil lahat ng larangan na pinasok nito ay kanya rin sinusundan.
Sinubukan din mag-artista ni Jeremy pero ang naimarka lang sa pag-aartista ay pambababae pero hindi siya umubra sa huling aktres na na-link sa kanya kaya siguro nag-goodbye sa showbiz at pumasok naman sa politika.
Pero ano itong nabalitaan natin,na umaangal din ang mga constituents dahil wala raw significant achievement si Jeremy sa kanyang panunungkulan at gaya nang dati, hindi pa rin siya hinihiwalayan ng kontrobersiyal na tatak ng mga Marquez — ang pagiging lover boy?
‘Yun lang yata ang alam nating pinag-uusapan tungkol sa kanya.
Sabi nga like father, like son…
Kaya ngayong ibinabando ng kanyang kampo na siya ay tatakbong vice mayor sa Parañaque marami ang nagdududa kung kanyang kakayanin.
Dadalhin naman kaya siya ni Mayor Edwin Olivarez?!
Mangyayari lang siguro ‘yan kapag bumitiw ang mga Golez kay Olivarez.
‘E paano kung hindi?
Hindi naman kaya maging mabigat na bagahe si Jeremy kay Olivarez?
Bukod d’yan, hindi pa rin nawawala sa imahe niya ang tatak ng kanyang tatay…
Paano na!?
Mukhang hindi siya kasing-popular ng kanyang step brother na si Vandolph na angat sa survey at paboritong-paboritong maging Konsehal sa area ng Tambo.
Lalo na ngayong tapos na ang term ng kanyang ‘tita’ Ness bilang konsehal.
Malamang, si Vandolph ang magmana ng popularismo ng kanyang ermat.
No comments:
Post a Comment