Sunday, May 19, 2013

Pinoys hit with baseball bats. Now this: Taiwan crisis PINOY DORM NILUSOB Ni Aries Cano with Boyet Jadulco


MONDAY, MAY 20, 2013 ARCHIVESABOUT US
LOTTO
TAMA KA BA?
GABAY NG DIYOS
Custom Search
TOP STORIES
Taiwan crisis
PINOY DORM NILUSOB
 Ni Aries Cano with Boyet Jadulco
 
Kahit sa loob ng tinitirahan ay mayroon umanong mga lugar sa Taiwan na tila hindi na rin ligtas para sa mga kababayang Pinoy workers na naroroon.

Sa panayam ng Abante kahapon kay Shiela Ma­yandai, OFW sa Taiwan at vice chairperson ng Migrante-Taiwan, sinabi nito na may grupo ng mga Taiwanese na sumalakay at umatake sa dormitoryong tinitirahan ng mga OFWs.

“Mainit na mainit pa rin ang sitwasyon. Kagabi (Sabado) between 9 to 10 p.m… anim na Taiwanese ang pumasok sa dorm ng mga Filipino sa Hsinchu (siyudad sa northern Taiwan). Pinagbabasag nila ang mga kagamitan, may mga hawak na baseball bat. Mabuti na lang nakapasok agad sa isang kuwarto ang mga babae pero may isa tayong kababayang lalake na naabutan nila, sinaktan nila, nakuyog, at ngayon siya ay nagpapagaling sa ospital. Nadala naman siya kaagad ng ospital.”

Ayon kay Mayandai, ang mga inatakeng kababayan ay nagtatrabaho lahat sa pabrika.

Mula sa Taipei ay tinatayang mahigit dalawang oras umano ang biyahe papuntang Hsinchu.

“Ang maigi lang ay mabilis magresponde ang mga pulis. Ngayong umaga (Linggo, Mayo 19) may lima kaagad na nahuli du’n sa mga umatake sa dorm, may isa pang hinahanap.”

Kahapon ay nakapanayam ng GMA-7 ang isa sa nasaktang kababayan sa ‘dorm attack’ na nagpakilalang Joey de Leon kung saan sinabi nito na imposib­leng napagkamalan lang sila at lalong imposible na hindi sinadya ang pag-atake sa kanila.

“Mga lasing sila, more or less ay walong Taiwa­nese, sabi nila ay napagkamalan lang kami, pero imposible naman dahil ang tagal na nitong dormitory na ito at alam nila na tinitirahan ito ng mga Filipino,” ani De Leon.

Sa Taipei kung saan nakabase si Mayandai ay okay pa naman aniya ang sitwasyon.

“‘Pag labas dito okay pa naman,” kwento nito sa Abante.

Sinabi pa ni Mayandai na nagtatrabaho bilang isang domestic worker, na wala naman siyang problema sa kanyang mga employer at kasama sa inaalagaan niya ay isang 90-taong gulang na babae at wala aniyang galit sa mga OFW ang kanyang mga sponsor.

Dagdag pa nito, “Hindi naman makitid ang pag-iisip ng lahat ng employer dito. ‘Yung mga na­na­­nakit lang ay ‘yung mga hindi nakakaunawa.”

Samantala, sa isang panayam kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez Jr., sinabi nito na dalawa pa lamang ang natatanggap ng MECO na insidente ng pananakit ng mga Taiwanese sa mga kababayan.

“Officially dalawa ang natanggap namin, ‘yung dalawa…pinabe-verify ko. ‘Yung isa pinalo sa kamay nasugat ‘yung kamay, ‘yung pangalawa pinalo ng baseball bat sa mukha tinamaan, mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakapalo medyo nabukulan lang. Pinakuhanan namin ng video at detalye, bukas matatanggap ko na.”

“Ang mga may kagagawan nito ay mga Taiwanese teenager,” pahabol nitong impormasyon.

“Ang mga Taiwanese sa Taoshung sa Taiwan. Malaking problema na nila noon iyan, ‘yung mga pananakit nila sa iba’t ibang tao pero ngayon naka-concentrate sila sa mga Filipino. Parang kinukursunada na nila,” ani Perez.

Pero ikinatuwa ni Perez ang pahayag ng Taiwanese president na huwag saktan at pagbalingan ng galit ang mga Pinoy na nasa Taiwan.

“Ang isang ikinatutuwa ko naman ‘yung Presidente nila si Ma-Ying-Jeou came out with a statement na sinasabi ng Taiwanese na huwag ninyong saktan ang mga Filipino na nandito.”

Hinggil sa diplomatic protest ng Pilipinas kaugnay sa mga insidente ng pananakit, ang tugon ni Perez, “pinaparating na namin ‘yan sa Ministry of Foreign Affairs (ng Taiwan) sinasabi na namin.”

Mula sa Malacañang, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi palalampasin ng gobyernong Aquino ang mga pananakit na ito sa mga kababayan sa Taiwan.

Ginagawa na umano ng MECO ang lahat ng kinakailangang hakbang para mabigyan ng hustisya ang pagtarget sa mga Pinoy sa ‘hate crime’ sa ilang bahagi ng Taiwan.

“They make the report to the relevant ministry there para po masimulan ‘yung imbestigasyon at magkaroon naman po ng, ano, ng hustisya doon sa mga report na nabe-verify na,” anang tagapagsalita.



Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar41.1600
Bahrain Dinar109.178
Canadian Dollar40.0370
Euro52.8336
Australian Dollar40.0960
HK Dollar5.30214
Japan Yen0.398528
Saudi Riyal10.9760
S’pore Dollar32.6874
Taiwan Dollar1.37376
UAE Dirham11.2064
UK Pound62.4459
COLUMNIST OF THE DAY
Noynoy magic sa senatorial race
 
HOMETOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section

No comments:

Post a Comment