Monday, February 10, 2014

China kulelat, US patok sa SWS survey, 11 February 2014

China kulelat, US patok sa SWS survey
(Boyet Jadulco)
 
Hindi pa rin mabawi ng China ang nawalang tiwala ng mga Filipino simula nang angkinin nila ang Scarborough Shoal noong 2012.

Base sa isinagawang survey ng Social Wea­ther Station (SWS) na kinomisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang net trust rating ng China noong 2013 ay nakabaon pa rin sa negative 17 kumpara sa negative 30 noong 2012 nang umpisahan nilang angkinin ang teritoryo ng bansa.

Noong 2009 lang nakakuha ng mataas natrust ra­ting ang China sa positive 20 at positive 10 noong 2011, bago ito naglaho noong 2012 nang sumabak sila sa territorial dispute sa Scarborough Shoal na sakop pa ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Lumalabas sa survey na maraming Filipino ang sumusuporta sa paghahain ng arbitration case ng administrasyong Aquino sa United Nations (UN) laban sa ginagawang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Poging-pogi naman ang Amerika sa Pilipinasmatapos na makakuha s ng pinakamataas na net trust rating na +82 noong nakaraang taon.

Ayon kay Dr. Mahar Mangahas, presidente ng SWS, resulta ito ng relief efforts na isinagawa ng puwersa ng Amerika sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas at Leyte. 

No comments:

Post a Comment